ESTADO
Pag Nagka-Papa na Filipino
by Fermin Salvador.
March 1, 2013
Isa raw sa mga “papabile” o malakas na kontender sa pagka-Santo Papa si Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Arsobispo ng Maynila. Waring ‘first time’ na may Filipino na napabilang sa hanay ng mga “papabile”. Sa mga kasapi ng global na kumunidad ng mga bansang Katoliko, mistulang sanggol lang ang Pilipinas. Kulang sa limang siglo pa lang ang Kristiyanismo/Katolisismo sa Pilipinas na unang ipinakilala ni Fernando Magalyanes sa pagsisimula ng ika-14 na siglo. Nauna pang mahigit isang siglo na naipakilala sa ating kapuluan ang Islam. Continue reading
Juan Ponzi O’Reilly
by Fermin Salvador.
February 1, 2013
Sa hanay ng mga kapwa-Pinoy, ang pinakatanyag na may pangalang “Juan” sa kasalukuyan ay ang minsa’y ‘counter-puncher’ na nakaupong pangulo ng senado. Bihira na rin kasi ang binibinyagan sa pangalang Juan hindi paris noong araw na puro Juan ang pangalan ng kalalakihan kaya isang Amerikano ang nagbansag sa lahing Pinoy na “Juan dela Cruz”. Payag naman agad ang mga Filipino. Di man lang nag-isip na dahil ideya ito ng isang banyaga, posibleng may nakalakip ditong ‘private joke’ sa mga Filipino ang mga Amerikano. Continue reading
N3H2 (Pandemik ng Trangkaso)
by Fermin Salvador.
February 1, 2013
Taun-taon, sa pagsapit ng taglamig ay pinaghahandaan ang salakay ng trangkaso o influenza o flu. Sa simpleng depinisyon, ang flu ay “respiratory or intestinal infection caused by a virus” (Webster’s). Ayon sa Gray’s Medical Dictionary ito’y karaniwan na nagiging epidemik (epidemic) at minsan ay maging pandemik (pandemic). Continue reading
Reeleksiyon
by Fermin Salvador.
January 16, 2013
Sumabak si Pangulong Obama ng US sa panibagong halalan upang magkaroon ng ikalawang termino sa pagkapangulo. Muli’y siya at ang bise-presidenteng si Joe Biden ang naging pambato ng partidong Democrat kontra kina Mitt Romney at Paul Ryan ng partidong Republican. Muli silang nagwagi. Continue reading
Pag-asa ni Obama
by Fermin Salvador.
January 1, 2013
Napanood ko ang bidyo ni Pangulong Obama na nagbigay ng maikling talumpati sa mga nag-organisa ng kampanya niya sa Chicago. Indoor ang lokasyon, ilang oras matapos makumpirma ang muli niyang pagkahalal bilang pangulo ng US. Maituturing na pribadong pagtitipon iyon. Personal na pasasalamat ni Pang. Obama sa mga tumulong nang aktuwal, hindi lang sa pagboto, para makopo niya ang ikalawang termino. Continue reading
Ang Huling Taon ng Sangkatauhan?
by Fermin Salvador.
December 16, 2012
Hinulaang 2012 ang huling taon ng sangkatauhan. Ang huling taon ng planetang daigdig. Ang huling taon ng uniberso.
Pagkagunaw ng Mundo
Bakit nga ba konsistent ang rahuyo sa tao ng pagkagunaw ng mundo? Kung mapapansin ninyo, anumang lahi at saanmang isla o lupalop naninirahan ay may sariling kuwento at konsepto ng biglaan at marahas na pagwawakas ng lahat ng bagay na umiiral sa lupa. Tila ito’y isang ‘primeval’ na alalahanin na nasa genes at sub-conscious na ng sangkatauhan na nag-ugat pa sa panahong kapos ang kabatiran ng tao sa mga nagaganap sa kapaligiran at lalong kapos ang kakayahan niyang iligtas ang sarili sa mga di makontrol na puwersa. Continue reading
Ang Mga Sulating Dapat Basahin ng mga Magpapabasa ng mga Isusulat
by Fermin Salvador.
December 1, 2012
Sa Pilipinas, ipinagdiriwang ang Linggo ng mga Aklat tuwing Nobyembre 24 – 30 na pinasimulan ni Pangulong Quezon noong 1936. Sa loob ng life span ko ay nakita ko ang pagbabago mula sa inililimbag na encyclopedia patungo sa wikipedia. Continue reading
Amerikang Walang Kuryente
by Fermin Salvador.
November 16, 2012
May nagsasabing ang ‘power outage’ o ‘brown-out’ ay karanasang pang-3rd world country lamang. Sariwa pa sa alaala ng mga Pinoy ang mala-bangungot na pagkawala ng kuryente nang halos araw-araw at tumatagal nang maghapon at/o magdamag noong pagbungad ng dekada nubenta. Papatapos ang termino ni Pres. Cory at ang paboritong tudyo ng yumaong sikat na peryodistang si Joe Guevarra: “I-NAPOCOR, e!” (“Use NAPOCOR” na ang kasingtunog ay “Enough of Cory”). Continue reading
Boksingerong Pilipino Laban sa Mundo
by Fermin Salvador.
November 1, 2012
Kung hindi ba naman bobo, nagsalita itong si Jose Sulaiman na ang naganap sa ikatlong labang Pacquiao kontra Marquez ay palatandaan na papatapos na ang paghahari ng una sa mundo ng boksing. Dapat ipaalala sa kanya, o ipaalam kung di pa niya alam, na si Pacquiao ang nagwagi sa nasabing laban at sa mayoryang desisyon ng mga huwes. Continue reading
“Soft Power” ng Pilipinas
by Fermin Salvador.
October 16, 2012
Ang bawat bansa ay may tinatawag na “hard power” at “soft power”. Sa hard power, tinutukoy ang kakayahan ng isang bayan, nasyon, o estado na manaig ang kagustuhan at/o lumikha ng bulabog sa pandaigdigang sitwasyon sa pamamagitan ng taglay nitong lakas-militar. Continue reading