ESTADO

Baguio: Kabisera sa Tag-araw (Huling Bahagi)


Makulay na bahagi ng buhay ko, o marahil ninumang taga-Luzon, ang pamamasyal sa Baguio tuwing tag-araw. Bahagi rin naman ang Baguio sa nagbabago-bagong kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas.
Paboritong pasyalan ang Baguio ng mga kaibigang manunulat sa komiks noong dekada otsenta. Madalas ay sa mga panahon ng Abril at Mayo, pero kahit anong buwan basta naisipan ay “umaakyat” sa Baguio. Kahit kaunti ang baon . Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Baguio: Kabisera sa Tag-araw (Huling Bahagi)

Baguio: Kabisera sa Tag-araw (Part 1 of 2 Parts)


Isa ang Pilipinas sa mga bayan na may “summer capital”. Sa alinmang panig ng mundo, may panahon (season) ng tag-araw. Sa Pilipinas, kalahati ng isang taon ay tag-araw pero ang rurok ng tag-araw ay sa mga buwan ng Abril at Mayo. Ito rin ang mga panahon na namamasyal ang mga mag-anak dahil bakasyon sa paaralan ang mga bata. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Baguio: Kabisera sa Tag-araw (Part 1 of 2 Parts)

Port-op-Dyulay


Sa ilang panahon ay ikaapat nang Hulyo ang petsang ipinagdiriwang na araw ng kasarinlan ng Pilipinas pagkat ibinaba ang bandilang Amerikano kasunod ang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa Luneta noong Hulyo 4, 1946 o humigit-kumulang isang taon matapos mapaalis ang mga mananakop na Hapon sa kapuluan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Iisa noon ang petsa ng pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng Pilipinas at US. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Port-op-Dyulay

Magandang Balita: Mataas na Growth Rate ng Pilipinas


by Fermin Salvador.
June 16, 2013
Sa Pilipinas, nasanay na tayong ang balita lang ay ang pangit na balita. Kalamidad, eskandalo, masaker, isyung diplomatiko, panlalait ng mga dayuhan, at kung anu-ano pang malalaki, maliliit, at medium-size na kalagiman. Kung may break man sa mga ito ay mga balitang halalan. Pulitika at police blotter. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Magandang Balita: Mataas na Growth Rate ng Pilipinas

Taywan – Naiwan ng Kasaysayan


by Fermin Salvador.
June 1, 2013
Ang Taywan ay may kasaysayan ng pagpapakitang-arogansiya nang wala sa lugar na nagdudulot dito ng kapahamakan. Isang halimbawa ang wala-sa-lugar na pagpupumilit nito noon na kilalanin bilang ang tunay at nag-iisang “Tsina”. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Taywan – Naiwan ng Kasaysayan

Ang Obligasyon ng Estadong Progresibo


by Fermin Salvador.
May 16, 2013
Bago natapos ang 2012 ay naaprobahan ng kongreso ang dalawang trilyong pisong (humigit-kumulang 50 bilyon dolyar-US?) badyet ng Pilipinas para sa taon 2013. Pinakamalaki ang alokasyon para sa edukasyon. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Ang Obligasyon ng Estadong Progresibo

Kagawaran ng Kultura?


by Fermin Salvador.
May 1, 2013
Walang kagawaran (department) ng kultura sa US, ang federal man o mga pang-estadong gobyerno. Pero pag binanggit ang pariralang “kulturang Amerikano” ay wala marahil lahi sa mundo na walang sariling pakahulugan o interpretasyon. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Kagawaran ng Kultura?

Ang Hubris sa Away nina Kris Aquino at James Yap


by Fermin Salvador.
April 16, 2013
Patol na patol ang sambayanang Filipino sa isyu ng away nina Kris Aquino at James Yap. Basta sangkot si Kris ay naaaliw ang publiko dahil masong-maso ang dating. Kumbaga, ang sarap pukpukin ng maso. Hindi si Kris (di na siguro kailangan) kundi ang isyu ang masarap masuhin para madurog at masiyasat. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Ang Hubris sa Away nina Kris Aquino at James Yap

Ang Kababawan ng Pulitika sa Pilipinas


by Fermin Salvador.
April 1, 2013
Nitong huli ang bawat pangulo ay mas naaalala sa naging bansag na kadalasang batay sa pisikal na pekulyaridad kesa sa mga negatibo at positibong impact sa bansa sa panahon ng administrasyon nila. Binansagang “santa” si Cory na may pinagsanib na respeto at pagtuya. Si Ramos ay si “Tabako”. Si Erap ay si “Bigote” at si “Asyong Salonga” dahil sa papel na ginampanan sa pelikula. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Ang Kababawan ng Pulitika sa Pilipinas

Subic, Sabah, at Spratly


by Fermin Salvador.
March 16, 2013
May tatlong mahahalagang pangteritoryong isyu ang Pilipinas. Lahat ay nagsisimula sa letrang “S”. Subic, Sabah, at Spratly. Naresolba na ang una, ang Subic, matapos tanggihan ng senado na ratipikahan noong 1991 ang tratado sa pagitan ng Pilipinas at US na magbibigay-pahintulot sa pananatili ng mga baseng-militar ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang Subic ang itinuturing noon na pinakamalaking base ng US sa labas ng Amerika. Halos kasinglaki ito ng Singhapor. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Subic, Sabah, at Spratly