ESTADO
‘Freedom of Information Act’ sa Amerika
Wala pang isang linggo matapos akong tumapak sa US, ang unang naging trabaho ko ay sa law office ni Andrew Sagartz. Ang tanging alam ko ay ang saligang-batas ng US na di nabago mahigit dalawang siglo sapul nang isulat at maratipikahan ng sambayanang Amerikano. Continue reading
Pasacao
Ang munisipalidad ng Pasacao sa Ragay Gulf ang itinuturing na summer capital ng lalawigan ng Camarines Sur o Camsur. Mula sa Lungsod Naga ay may masasakyang mga pampublikong sasakyan o PUV sa terminal ng mga ito na malapit sa LCC Mall. Continue reading
EDCA I
Maituturing na isa sa pinakamatagumpay na opisyal na dalaw o state visit ng pangulo ng US sa Pilipinas ang kay Pangulong Obama nitong Abril 2014. Nagkataong katatapos lang ilathala ang isang sarbey na nangunguna raw ang mga Pinoy sa mga … Continue reading
LLGBBT
Ang ibig kong sabihin sa pamagat na LLGBBT: Lalaki, Lesbiyan, Gay, Bayseksuwal, Babae, Transdyender. Kung ikukunsidera natin ang ekwalidad sa kasarian, di na natin dapat ilimita ang daglat sa LGBT na waring ang apat ay espesyal na kategorya ng gender sa salik ng pagiging minorya. Continue reading
Ang Kaso (at Cash) sa Luwas na Kasambahay
Batay sa isang ulat, sa 2014 ay magiging pinakamalaki pa rin ang kahingian o demand sa mga kasambahay ng mga parukyanong bayan para sa mga iniluluwas na bisig ng Pilipinas o OFW. Sa lahat marahil ng mga manggagawa na may mababang antas ng kasanayan na kakailanganin sa ibang mga bayan ay mga kasambahay ang mananatili ang kahingian. Continue reading
Palayain ang mga Taludtod ni Balagtas
Talang-pangtalampakan lang sa kabuuang kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Kakosang Francisco Balagtas subalit bilang makata siya’y isang higanteng pigura. Ang bigat ng pagkamakata ni Balagtas, sa aking tuos, ay mas sumalalay sa kadahupan ng panulaang may baylayn sa pangkalahatang kamalayan ng mga Pilipino at di sa intrinsikong ekselensiya ng kanyang mga tula. Continue reading
Pinoy sa Winter Olimpiks
Hindi na bago sa Pilipinas na ang pamilya ng isang pang-olimpiks o pang-internasyunal na kalibreng batang atleta ang nagbubutas ng bulsa upang mapondohan ang mga gastusin sa paglahok nito sa mga kumpetisyon sa labas ng bansa. Halimbawa na rito ang mga batang leyon ng ating bayan sa pandaigdigang ahedres, ang mga grandmaster na sina Wesley So at Mark Paragua na sariling sikap at suporta ng sariling pamilya ang naging haligi upang maiwagayway ang watawat ng Pilipinas sa ahedres. Continue reading
Tsina: Nazi Alemanya Nga Ba ng Ika-21 Siglo?
Para sa isang lider ng isang bayan, mataray ang tahasang pagkumpara ni Pangulong Noynoy sa mga aksiyon ng Tsina sa Asya sa kasalukuyan sa naging mga aksiyon ng Nazi Alemanya sa Yuropa noong nakalipas na siglo. Na mabilis na sinagot ng mga propagandista ng pamahalaan sa Beijing na si P-Noy daw ay amatyur na pinuno at kapos ang kaalaman sa kasaysayan. Continue reading
Babae
Part I
Napag-alaman at ipinapahayag ng Pangkalahatang Kapulungan ng Estado ng Ilinoy ang mga sumusunod: 1. Ang domestic and sexual violence ay biktima ang marami anuman ang edad, lahi, antas ng edukasyon, kalagayang panlipunan at pangkabuhayan, relihiyon, o trabaho. Continue reading
Siberia sa Chicago
Naging bukambibig ang paghambing sa Chicago sa Siberia sa tindi ng lamig na naranasan dito nang ilang araw sapul nang magpalit ang taon. Nagrurok ang lamig sa limampung oras na walang patid na temperaturang mababa sa sero na may kasamang buhos ng niyebe mula noong Enero 6 hanggang 8. Continue reading