ESTADO
Mga Tip Sa Panahon ng Taglamig
Taglamig na naman. Simula sa kalagitnaan ng Disyembre hanggang sa umpisa ng Marso ang itinuturing na panahon ng tagyelo o winter. Tatlong buwan na pinakamababa ang antas ng temperatura, kasagsagan ng pagbuhos ng niyebe, at may banta ng pananalasa ng blizard o daluyong ng niyebe na may kaakibat na malalakas na paghampas ng malamig na hang Continue reading
Gera sa Pagkagobernador ng Ilinoy
Di ko alam kung kailan huling naging medyor na paksa ng kampanya sa eleksiyong pampanguluhan sa Pilipinas ang tindig ng bawat kandidato sa karapatan sa pangkatang pakikipagtawaran (collective bargaining) ng lakas-bisig o labor force. Sa pribado man o publikong sektor, may mahabang kasaysayan at solidong tradisyon ang unyonismo sa estado ng Ilinoy. Continue reading
Kulturang Kailangang Kalingain
Kapag narinig ang salitang “kultura”, ang unang pumapasok sa isip ay ang mga anyong-sining katulad ng oil painting, musikang klasikal, opera, ballet, at iba pang bagay na sa isip ng masang Pinoy ay mga luhong pangmayaman lamang. Mga pagtatanghal sa Philippine International Convention Center (PICC) o Cultural Center of the Philippines (CCP). Continue reading
Ano ang Ibig Sabihin ng “Paboritong Aklat”?
Ang paborito kong libangan ay pagbabasa. Agad-agad kong isasagot ito pag tinanong ako kung ano ang paborito kong libangan. Pero kung ang tanong ay ano o anu-ano ang mga paborito kong aklat, di maiiwasang matigilan ako. Mas mahirap na tanong iyan. Ano ang ibig sabihin ng ‘paboritong aklat’? Continue reading
Ang Pagsasanga ng Landas Patungong Fasismo sa Pelikula ni Lav Diaz – Rebyu ni Felipe Furtado
Napagwagian ng pelikula ni Lav Diaz na may pamagat na “Mula sa Kung Ano ang Noon” ang prestihiyosong Golden Leopard Award sa ika-67 Pestibal ng Pelikula sa Locarno, Switzerland. Narito ang salin ko sa isa sa mga rebyu sa pelikula: Continue reading
Rizal Underground, Rizal’s Background
Kabilang sa sangkaterbang bandang sumulpot noong dekada nubenta ang kuwartet na Rizal Underground (RUG) na pinaglideran ng magkapatid na Mike, punong gitarista, at Angelo Villegas, tanging bahista. Para mapabilang sa RUG, kumalas si Angelo sa The Jerks na bandang mas mahilab ang kita, mas taga-sa-panahon at (dahil sa) mas may pangalan at humigit-kumulang permanenteng mga groupie. Pero kailangan niyang sumugal sa isang bagong-tatag na grupong wala pang pruweba at, higit sa lahat, wala pang mga groupie. Nasubaybayan ko ang unang album nilang self-titled hanggang sa ikalawang istudyo-album na Diskaril. Kahit nagpapaka-fab four ay umaangat ang timplang kayumanggi sa kanilang mga liriko, tunog, at areglo. Continue reading
Desperasyon at Pagkamatapat
Ang kakanggata at sapal na rin ng emosyonal na depensa ng Malakanyang sa usapin ng DAP na idineklara ng korte suprema na labag sa saligang-batas ay ang diumano’y asensong pang-ekonomiya na bunsod ng diumano’y matapat at mahusay na paggamit sa pondong-bayan sa pamamagitan nga ng DAP. Continue reading
Usapang Saker (Pagkatapos ng World Cup)
Tumutok ang malaking bahagi ng populasyon ng buong mundo sa FIFA World Cup sa Brazil. Pero hindi ito masyadong napansin ng mga Pinoy. Hindi kasi nakapasok sa laban sa world cup ang koponan sa saker ng Pilipinas na Azkals. Mas tumuon pa ang maraming Pinoy sa laban sa kampeyonato ng San Antonio Spurs at Miami Heat sa National Basketball Association (NBA) Continue reading
Pilipino sa Kolehiyo
Hangga’t maaari ay ayoko sanang sumawsaw pa sa “pang-intelligentsia” na isyu hinggil sa pagtuturo ng wikang “Pilipino” sa mga kolehiyo na nasa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED). Hindi lang isang beses nating babanggitin: ang soberanya ay nasa taumbayan. Continue reading
Talaang GinTO(NG)
Naging usap-usapan ang naiulat na ginawa ng tinawag na reyna ng kababuyan o pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles na diumano’y listahan ng mga sangkot sa pandarambong sa porkbarel ng mga lehislador. Naglalaman daw ang nasabing listahan ng mga pangalan na – bukod sa batid na ng lahat na Tres Porkiteros – ibang nilalang sa loob at labas ng gobyerno na dawit sa pagnanakaw sa porkbarel. Continue reading