ESTADO

P-Noy vs. Pari sa Populasyon

by Fermin Salvador.

October 8, 2010

Hindi pa man daw nahahalal si Pangulong Noynoy o ‘P-Noy’ ay nakapagpahayag na siya sa di iilang pagkakataon na sinusuportahan niya ang mga hakbanging naglalayon na malunasan ang lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa panahon pa ng kampanya ay naisaad na niya ang pagpanig maging sa kontrasepsiyon (contraception) at/o artipisyal na pamamaraang makapipigil sa pagbubuntis. Na bilang polisiya ay kontra sa doktrina ng Simbahang Katoliko. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on P-Noy vs. Pari sa Populasyon

Tanaw sa Mindanao

by Fermin Salvador.

October 1, 2010

Gitna ng dekada nubenta ang mga panahong mistulang pasyalan lang sa akin ang lalawigan ng Maguindanao. Iyon ang mga panahon na, sa maniwala kayo’t hindi, naging administrative hearing officer ako ng tatlo at kung minsa’y apat na rehiyonal na hurisdiksiyon sa Mindanao ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na namamahala sa mga piitang panglungsod at munisipalidad sa buong
Pilipinas. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Tanaw sa Mindanao

Pribilehiyo at Kolehiyo

by Fermin Salvador.

Sept 24, 2010
Kinilala ng ika-108 Kongreso ng Estados Unidos noong 2003 ang Setyembre bilang “Buwan ng Pag-iimpok para sa Kolehiyo” (“College Savings Month”). Bago ito, sinimulan ng College Savings Plan Network ang pagsasagawa ng mga palatuntunan na humihikayat sa lahat laluna sa mga magulang na maghanda para sa pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang anak. Ang inisyatiba ng nasabing network ay sinundan ng pagdedeklara ng mahigit 40 estado sa kani-kanyang hurisdiksiyon na ang Setyembre ay tatanghaling “College Savings Month”. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Pribilehiyo at Kolehiyo

Lingo at Peligro sa Trabahong Unipormado

by Fermin Salvador.

Sept 18, 2010

Tulad nang inaasahan, ang insidente ng pambibihag ng isang pulis na tinanggal sa serbisyo sa mga pasahero ng isang pangturistang bus na humantong sa maraming kamatayan ay naging mainit na paksa sa loob ng maraming araw. Hindi mabilang na artikulo at opinyon ang nailathala sa mga peryodiko at blogospera.
Halos wala nang maisasawsaw pa sa pangyayaring ito sapagkat napagtuunan na yata ng pansin ang halos lahat ng anggulo laluna sa mga sana, sana, at walang katapusang “sana ay hindi nangyari”. Hindi naman masasabing maliit na bagay ang naganap sapagkat marami itong implikasyon gaya ng ugnayang Pilipinas-Hong Kong at, kakambal nito, Pilipinas-Tsina. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Lingo at Peligro sa Trabahong Unipormado

Bisikleta ang Kailangan

by Fermin Salvador.

Sept 12, 2010

May isang ‘urban legend’ sa Pilipinas noong kapanahunan ng batasmilitar na may isang komedyante diumano na tinudyo ang islogan ng pamahalaan na ganito ang isinasaad: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Ganito raw ang sinabi ng komedyante: “Sa ikauunlad ng bayan, BISIKLETA ang kailangan.”… Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Bisikleta ang Kailangan

Mensahe sa Paglulunsad ng “Ipuipo sa Piging”

by Fermin Salvador.

Sept 3, 2010

(TALA: Nagkaroon ng matagumpay na pormal na paglulunsad ang aklat-antolohiya ng mga tula na pinamagatang “Ipuipo sa Piging” (“Whirlwind to the Feast”) noong gabi ng ika-23 ng Agosto sa 70s Bistro sa Quezon City. Bukod sa mga kontributor sa aklat na dumalo, dumagsa ang mga tao sa paglulunsad sa kabila ng… Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Mensahe sa Paglulunsad ng “Ipuipo sa Piging”

Tag-Araw at Pistang Amerikano

Aug 27, 2010

Sa Pilipinas, ang pagsapit ng Hunyo ay nagpapahiwatig ng pagwawakas ng tag-araw.

Balik-Bahay, Balik-Bukid Nagsisimula nang umulan na hudyat ng simula ng pagwawakas ng tagtuyot lalo kung may el nino na lubos na iniiinda ng mga magsasaka at pahirap sa bawat Pinoy saanmang dako ng kapuluan. Kung ang Mayo ay… Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Tag-Araw at Pistang Amerikano

Pag-ibig sa Tinubuang Wika

by Fermin Salvador.

Aug 20, 2010

Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ang “Buwan ng Wikang Pambansa” sa Pilipinas. Sa ika-19 ng Agosto ang itinuturing na “Araw ng Wika” na itinapat sa kaarawan ni Pangulong Manuel Luis Quezon noong Agosto 19, 1878 na binabansagang “Ama ng Sariling Wika”. Maitatanong: Ano ba ang ibig sabihin ng “sariling wika”? Halos isandaan ang katutubong wika sa… Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Pag-ibig sa Tinubuang Wika

‘Interyor’ ng Estado

by Fermin Salvador.

July 30, 2010

Isa ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kagawaran sa pambansang pamahalaan (national government) na hindi maiiwasang maging batbat ng kontrobersiya dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng tanggapang ito sa estado. Nabalitang sa pagka-kalihim ng DILG interesadong maupo si Bise-Presidente Jejomar ‘Jojo’ Binay. Hindi naman… Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on ‘Interyor’ ng Estado

National Pastime Theater, Naked July (Teatro at Pagkamapangahas) – Kongklusyon

by Fermin Salvador.

July 23, 2010

Sa Pilipinas, bilang isang kumparatibong konserbatibong bansa, ang panlahatang panuntunan pa rin ay pag-iwas sa mga pormang-sining na gumagamit ng, o kinakailangan ang, kahubaran. Ganunpaman ang paggamit ng kahubaran sa di seksuwal na konteksto ay hindi rin naman laging mitsa ng mabangis na paghatol mula sa publiko. Sensura at Pagbabawal May mga napabalita noong araw na mga pelikulang nais diumano ng ilang hanay na ipagbawal na maipalabas sa mga sinehan sa pagtataglay, diumano, ng “malalaswang eksena”. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on National Pastime Theater, Naked July (Teatro at Pagkamapangahas) – Kongklusyon