ESTADO
Mga Wagi at Agiw sa 2013
Pinakamagandang taon, pinakamasamang taon; taon na batbat-dunong, taon na batbat-gunggong. Ang tenor ng sinundang pangungusap ay hiniram sa Kuwento ng Dalawang Lungsod ni Charles Dickens na ang tagpuan ay ang rebolusyon ng mga Pranses. Ibig kong ilapat sa taon 2013. Relatibong matahimik ang 2013. Continue reading
2014: International Visit the Philippines Year
Bittersweet. Isang salitang Ingles na angkop sa paglalarawan sa Pilipinas sa 2013. Nakapagrehistro ng pang-ekonomiyang growth rate na pinakamataas sa Asya pero nilamog naman ng bagyo, lindol, at baha. Umalingasaw ang raket sa pondo sa porkbarel ng mga mambabatas habang nanalo si Miss Philippines na Meagan Young na 2013 Miss World. Continue reading
Resilyens ng mga Filipino
Malagim ang naganap sa Leyte. Ikinumpara ang pananalasa rito ng superbagyong Yolanda sa pagbagsak ng bomba-atomika sa Nagasaki at Hiroshima. May paglalarawan na nabura sa mapa ang Tacloban. Sa isinagawang paghahambing, halos doble pa ang lakas ni Yolanda sa Hurricane Katrina na pinakamatinding likas na kalamidad sa mundo noong 2005. Ang pananalasa ni Yolanda ang pinakamatinding likas na kalamidad sa mundo sa 2013. Continue reading
Lindol at Lumang Simbahan (Huling Bahagi)
Law student ako sa Lyceum of the Philippines nang mangyari ang lindol sa Luzon noong 1990. Kasama ang mga klasmeyt, kami’y nasa law library ng unibersidad sa ikalawang palapag ng gusali nang maramdaman na malakas na umaalog ang kinaroroonan namin. Iyon ang pinakamalakas na paglindol na naranasan ko na ganap nang may malay ako. Sapul nang ipanganak ako’y marami-rami na rin ang Continue reading
Lindol at Lumang Simbahan (Una sa Dalawang Bahagi)
Marker sa mga yugto ng buhay ng bawat Pinoy ang mga bagyo, baha, pagputok ng bulkan, at lindol. Sa Ilinoy at buong Midwest ay blizzard tuwing winter at tornado sa panahon ng tag-init ang mga likas na kalamidad, saka may posibilidad din ng lindol kaya may paghahandang isinasagawa rin para sa lindol ang mga gobyernong pang-estado at federal. Continue reading
Handa Na Ba Tayong Magpiit ng Maraming Opisyal?
Sa kasaysayan ng ating demokrasya, nakapag-asunto na tayo ng dalawang punong ehekutibo. Nagkaroon ng silbi ang nang una’y pinagtawanan na pagsasabatas ng krimen ng pandarambong (plunder) dahil daw sa walang mahahatulan nito. Si Pangulong Erap ay nahatulang gilti, pero nawalan pa rin ng panakot ang pagsasabatas ng nasabing krimen matapos siyang agad na mapatawad. Continue reading
Labanan sa Zamboanga
Isang pagkakamali ang isiping ang pinakahuling naging gulo sa Lungsod Zamboanga ay sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim. Maraming kabilang sa hukbong sandatahan ng Pilipinas o AFP, sa pulisya o PNP, at sa BJMP na mga Muslim. Noong nasa BJMP ako ay regular na may klasmeyt akong mga Muslim sa mga treyning sa iba’t ibang kampo sa buong kapuluan. Continue reading
VIP sa Bilangguan
The phrase speaks for itself. Very important person. Kailan pa naging balido na ang isang akusado ay mas importante, at doble o tripleng mas importante sa ibang kagayang akusado?
Kapag sinabing “VIP”, awtomatiko nang kasunod nito ang tinatawag na “tratong-beybi” o special treatment. Ang paglalapat ng “VIP” sa isang preso ay di isang hungkag na proseso. Ito’y kagaya nang sabi sa kanta ni Lea Salonga sa pelikulang “Aladdin” na may “whole new world”. Nangangahulugan ng ibang daigdig sa daigdig ng mga kumon na preso. Continue reading
Esperanto Filipino (Huling Bahagi)
Mapapansin na may pagkakapareho ang layunin ni Dr. Z at mga miyembro ng con-con at con-com sa Pilipinas. Maging susi ang wika sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga taong may iba’t ibang wika, kultura, at kasaysayan. Ang Esperanto ay sa lahat ng lahi sa buong planeta. Ang Pilipino/Filipino ay sa lahat ng tribu sa kapuluan ng Pilipinas.
Continue reading
Esperanto Filipino (Unang Kabanata)
Bukod sa komiks at pelikula na mga dambuhalang pambansang industriyang nasa Kamaynilaan ang konsentrasyon ng mga pagawaan at manlilikha/manggagawa ay nakapag-ambag din ang mga soap opera sa paglaganap ng Tagalog sa buong kapuluan. Itinanghal na bagong prinsesa ng drama sa telebisyon si Judy Ann Santos sa Mara Clara na agad sinundan ng Esperanza. Nabanggit ang Esperanza, talakayin natin ang Esperanto.
Continue reading