ESTADO

Pilipinas-Tsina, Tsina-Hapon, Hapon-Pilipinas


by Fermin Salvador.
December 18, 2010
May mahabang kasaysayan ang pakikipag-ugnayan ng mga Filipino sa mga kapwa-Asyanong mga Tsino at Hapon, bukod sa mga ibang Asyanong gaya ng mga Indiyan, Indones, Arabo, atbpa.
Maraming siglo bago pa dumating ang mga Kastila ay nakikipagkalakalan na ang mga kahariang umiiral sa kapuluan ng Pilipinas sa mga Tsino at ibang Asyano. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Pilipinas-Tsina, Tsina-Hapon, Hapon-Pilipinas

Huwag Si Marquez (Sa Susunod Na Laban Ni Pacman)


by Fermin Salvador.
December 10, 2010
Kahit paano’y lumampas sa isang milyon ang ‘benta’ sa pay-per-view (PPV) ng labang Pacquiao-Margarito. Malayo sa halos 700,000 ng Pacquiao-Clottey. Yamang nagpahayag na si Pacman na handa pang lumaban sa susunod na tatlong taon, takdang-aralin kay Bob Arum ng Top Rank ang haharapin ni Pacman ilang buwan mula ngayon. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Huwag Si Marquez (Sa Susunod Na Laban Ni Pacman)

Koreya at si koyang


by Fermin Salvador.
December 3, 2010
Maraming ugnayan ang mga bansang Pilipinas at dalawang Koreya na binubuo ng Timog Koreya (South Korea) at Hilagang Koreya (North Korea) sa mga aspetong pulitikal, historikal, kabuhayan, kultural, atbpa Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Koreya at si koyang

Walang Hanggang Salamat


by Fermin Salvador.
November 28, 2010
Panghuling Huwebes ng Nobyembre, ika-25 ng Nobyembre ngayong 2010 ang Araw ng Pasasalamat (Thanksgiving Day). Kadalasang ginagawang pista-opisyal pati ang kasunod nitong araw ng Biyernes. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Walang Hanggang Salamat

Taglagas at mga Talulot (Kongklusyon)


by Fermin Salvador.
November 21, 2010

May mga naikuwento si Sir Abenir tungkol sa batas-militar na mahirap paniwalaan ngunit totoo. Bumibiyahe ang bus na sinasakyan niya sa Aklan nang pinahinto ng mga sundalo ang bus at pinababa ang mga pasahero. Ipinahiwalay ang mga babae at inutusang magsipagbaba ng panty. Ang pinakahindi niya nalilimutan ay nang may isang sarhento na pinitsarahan siya at tinutukan ng .45 sa ulo. Sabi sa kanya: “Puwede kitang patayin, atorni, at idedeklara kong si Joma Sison ang napatay ko!” Sabay tawa. May pagkakahawig nga si Sir Abenir kay Joma di lang sa mukha kundi pati sa manipis na pangangatawan. Nang naging opisyal ng PC ay hinanap ni Sir ang sarhentong iyon. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Taglagas at mga Talulot (Kongklusyon)

Taglagas at mga Talulot (Part 1 of 2 Parts)


by Fermin Salvador.
November 12, 2010

[Ang artikulong ito ay isinulat ko bilang pag-aalay para sa alaala ng isang ating superior officer sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na si ol. Ramon A. Abenir Jr.]
Nakasaad sa kalendaryo na simula ng panahon ng taglagas sa hilagang hemispera ng Setyembre 23 ayon sa pagtutuos ng mga meteyorologo at iba pang dalubhasa sa augnay na larangan. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Taglagas at mga Talulot (Part 1 of 2 Parts)

Kung ang ‘Filipino’ ay Magiging Tunay na ‘Filipino’ (At Hindi ‘Tagalog na Filipino’)


by Fermin Salvador.
November 6, 2010

Lalo sa arbitraryong pamamaraan hindi dapat maging salik ng balarila ang itinuturing na wasto ng mga diumano’y kabilang sa may katutubong wikang Tagalog na mula sa mga lalawigan ng Bulacan, at Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon o CALABARZON, at Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan o MIMAROPA, at ibang pook sa bansa na marami, o mayorya, ay nagtuturing sa sarili na mga katutubong Tagalog sapagkat ito ang kinamulatan, kinagisnan, at umiiral na wika sa mga nasabing lugar; sapagkat ang ‘Filipino’ bilang wikang pambansa ay hindi kinakailangang nakabatay sa wikang Tagalog lang kundi sa lahat ng wikang umiiral sa buong kapuluan ng Pilipinas. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Kung ang ‘Filipino’ ay Magiging Tunay na ‘Filipino’ (At Hindi ‘Tagalog na Filipino’)

Dokumentaryo sa Panulaan sa Pilipinas


by Fermin Salvador.
October 30, 2010

Noong Enero 2010 ay nagkasundo kami nina Randy Valiente at Abet Umil na magtulungan sa pagpapablis ng aklat-antolohiya ng mga akdang pampanitikan, karamiha’y mga tula, na isinulat sa mga wikang katutubo ng mga makatang Filipinong nasa Pilipinas at ibang bansa. Tinawag namin ang antolohiya na “Ipuipo sa Piging” (“Whirlwind to the Feast”). Walang malinaw na paksa o tema ang aklat. Ipinaubaya na namin sa mga interesadong magsumite ng akda ang pagbibigay-interpretasyon sa sinasabi ng pamagat ng bubuuing aklat. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Dokumentaryo sa Panulaan sa Pilipinas

Nagkakaisang mga Bansa, Nagkakaisang mga Estado

by Fermin Salvador.

October 22, 2010

Bago pa nagkaroon ng Organisasyon ng mga Nagkakaisang Nasyon o United Nations Organization ang maraming bansa na mas nakilala bilang United Nations (UN) pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang US ay umiiral na at binubuo ng nagkaisa at pinag-isa na mga estado. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Nagkakaisang mga Bansa, Nagkakaisang mga Estado

Oktubre 16 – Pambansang Araw ng mga Amo

by Fermin Salvador.

October 15, 2010

Kung may araw para sa mga karaniwang empleyado at trabahador, may araw din para sa mga amo. Isa na marahil  ang mga Filipino sa lahing may pinakamaraming ginagamit na katawagan sa ‘boss’. Amo, boss, bosing, tsip, hepe, at manedyer ay ilan lang sa mga ito. Continue reading

Posted in ESTADO | Comments Off on Oktubre 16 – Pambansang Araw ng mga Amo