ShareThis

  ESTADO

Taglagas at mga Talulot (Part 1 of 2 Parts)



by Fermin Salvador.
November 12, 2010

[Ang artikulong ito ay isinulat ko bilang pag-aalay para sa alaala ng isang ating superior officer sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na si ol. Ramon A. Abenir Jr.]

Nakasaad sa kalendaryo na simula ng panahon ng taglagas sa hilagang hemispera ng Setyembre 23 ayon sa pagtutuos ng mga meteyorologo at iba pang dalubhasa sa augnay na larangan.

Mararamdamang lumamig nang kaunti ang hangin ngunit walang pagbabago ang resensiya ng sikat-araw. Mas nagiging nakasisilaw ang araw habang papalamig ang anahon. Bahagyang umigsi ang maghapon. Pero maliban dito’y tag-araw pa rin ang angingibabaw na moda sa kapaligiran. Kahit ang mga gansa ay pakalat-kalat pa at agrerelaks. Mapapansin ang pagtutumpok-tumpok ng mga ito bandang Nobyembre bago iglang mangawawala. Kasabay ang pagkalagas ng mga dahon at talulot ng mga unongkahoy.

Taglagas at Kamatayan

Paminsan-minsan bago pumasok sa opisina naiisip kong sumulyap sa Peysbuk nang 10 anggang 15 minuto atas lang ng kuryosidad kung ano ang mga bagong balita lalo a sa Pilipinas na araw kapag gabi sa US at maraming maaaring nangyari sa anahong ako’y natutulog.

“Patay na si Atty. Abenir.” Tinutukoy si Atty. Ramon A. Abenir Jr. na dating epe ng Tanggapan ng Serbisyong Legal ng Bureau of Jail Management and Penology BJMP) at dati ring hukom-JAGO sa noon ay Philippine Constabulary (PC).

Galing kay Jail Inspector Tess Colopano ang mensahe. Si Tess ay naging kasamahan sa opisina ng Serbisyong Legal ng BJMP na nagsimula sa pinakamababang ranggong Jail Officer 1 hanggang sa nabalitaan ko na naging opisyal na rin matapos pumasa at dumaan sa proseso na tinatawag na Lateral Entry sa unipormadong serbisyo.

Sa panahong hepe ng Serbisyong Legal ng BJMP si Sir Abenir ay nahirang ako bilang depyuti, ‘deputy’ o ‘de-puta’ sa jargon ng Byuro, sa nasabing tanggapan.

Bukod sa nasabing posisyon ay naitalaga rin ako para mamahala sa programa sa boluntaryong paralegal sa Manila City Jail. Ngunit ito’y sa mga huling taon ko na sa BJMP.

Una kong nakita si Sir Abenir, na bilang hukom-JAGO ay nagkaroon ng ranggong koronel, noong 1994 bilang personal na legal consultant ng noo’y hepe ng BJMP na si Heneral Charles Mondejar. Kabilang ako sa 12 bagong hirang na kumisyunadong opisyal ng BJMP upang maging hearing officer na idedestino sa magkakaibang rehiyon ng Pilipinas batay sa kung saan ang aming mabubunot. Kapag may Christmas party ang Central Office ng Byuro ay si Sir Abenir ang natotokahan ni Hen. Mondejar na ‘host’ dahil sa pagiging masigla tuwing may pagtitipon.

Aksidenteng Naging Kawal
Bahagyang pagliko, aksidente lang ang pagpasok ko sa BJMP. Legislative staff ako sa Manila City Council nang maatasan na saliksikin ang isang ulat na paglabag sa karapatang pantao ng isang bilanggo. Nainis ako sa kawalan ng kooperasyon at lantarang pagtatakip ng tanod-piitan sa pangyayari. Nang may paskil sa diyaryong nangangailangan ng mga ‘Jail Inspector’ sinamantala ko ang pagkakataon. Sa isip ko, pareho ito ng inspektor ng sanitasyon sa restawran o bus. Mga bilangguan naman ang iinspeksiyunin ko. Kaya malalaman ko ngayon ang tigas ng mga guwardiyang nagdu-duty rito batay sa naging karanasan ko.

Mahigit isandaan na pare-parehong nagtapos ng abogasya ang kumuha ng pagsusulit sa hedkuwarter ng BJMP sa Kalayaan Avenue sa Kyusi. Kasabay kong kumuha ng pagsusulit ang ilang naging kamag-aral sa Lyceum of the Philippines. Sa aming magkakamag-aral ay ako lang ang nakapasa. Nang magreport ako sa BJMP dala ang kalatas ay hanggang leeg ang buhok ko, suot ay kamisetang may Guns N’ Roses, at punit na maong. Mabilis na sinaluduhan ako ng tanod sa pintuan nang sabihin ko ang pakay. Pati ang ibang napagtanungan ko sa loob. Nalaman ko na ang ‘Inspector’ ay hindi deskripsiyon ng gawain kundi ranggo sa unipormadong organisasyon.

Nabunot ko ang Rehiyon 10 na ang kabisera ay Cagayan de Oro at saklaw ang mga lalawigang Misamis Oriental, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Bukidnon, at Camiguin. Nang nilikha ang Rehiyon ng Caraga ay inalis sa Rehiyon 10 ang Agusan del Sur, Agusan del Norte, at Surigao del Norte upang ilipat ditto ang hurisdiksiyon kasama ang Surigao del Sur na inalis naman mula sa Rehiyon 11. Mula sa Rehiyon 10 ay nailipat ako sa Rehiyon 11, 12, 13, at Autonomous Region for Muslim Mindanao. Tanging sa Rehiyon 9 na ang kabisera ay Zamboanga City hindi ako naitalaga.
Nang lumaon ang lahat ng mga ka-batch kong naging opisyal ay nagsipag-request na maitalagang warden sa piitan ng siyudad o munisipalidad nila. O saanmang malapit, o maski hindi malapit basta malaking piitan. Bukodtanging ako ang hindi humiling na gawing warden at nanatiling hearing officer sa Mindanao.

Istriktong Hearing Officer
Sa isang banda ay nagkaroon ako ng reputasyon na istriktong magpataw ng kaparusahan sa mga may asuntong administratibo na jail officer mula sa pinakamababa hanggang sa mga opisyal. Sa ganang akin, hindi ako eksperto sa barilan pero nasa kamay ko ang isang bagay na mas makapangyarihan pa sa armas, ito’y ang panulat na magsasaad ng kapasyahan sa isang usapin na may malaking implikasyon sa kaayusan ng lipunan.

Minsa’y mga Regional Director ang nababahala sa sitwasyon ko at naimumungkahi sa Central Office na ‘magpalamig’ muna ako sa Maynila. Pero wala akong natatandaang tahasang pahayag na nais ko munang iwan ang tungkuling hearing officer sa Mindanao. Maliban nang namatay ang tatay ko na nasa US na noon. Gusto kong magpahinga sa walang puknat na pag-ikot sa Mindanao maski ilang buwan lang.

Itinalaga ako sa Serbisyong Legal sa CO na ang hepe ay si Sir Abenir (ang dating hepe’y si Hen. Ahmed Nakpil) habang depyuti niya ang taga-Benguet na si Edgar Bolcio na ngayon ay isa nang koronel .
Noon ko regular na nakasama at ganap na nakilala si Sir Abenir, katauhan niya, pinagdaanang buhay, at pamilya. Masayahing tao si Sir Abenir bagaman dibdiban kapag humarap sa maseselang usaping kaugnay sa trabaho. Nakilala na siya sa dalawang bisyo: sigarilyo at alak. Bihirang pagkakataon na umaalis siya nang eksaktong ikalima nang hapon. Sa halip, ang ikalima nang hapon ay hudyat ng pagsisimula ng araw para sa kanya.

Taga-Nabas si Sir Abenir. Sa mahusay sa algebra, ang Nabas sa Aklan ay maituturing na ‘gateway’ sa pamosong Boracay sapagkat daraanan ang bayang ito mula sa Kalibo na kinaroroonan ng paliparan bagaman may maliit na paliparan sa Caticlan mismo na pantalan papuntang isla ng Boracay. Prominente ang pamilya niya sa Nabas.

Nang minsang isama niya ako sa Nabas nang pista nila, ang hindi ko nalimutan ay ang isang malaking bantayog na may markang ‘swastika’ na simbulo ng mga Nazi.

Naitayo na raw ang bantayog bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang nasabing swastika ay sumisimbulo sa noo’y isang NGO na nagtataguyod ng pagkakapatiran sa lahat ng bansa sa mundo.

Si Sir Abenir
Si Sir Abenir ay naging guro sa paaralan at, matapos maging abogado, nagging opsiyal sa lokal na COMELEC. Sinubok niyang magpraktis bilang abogado pero hindi siya tumagal. Di niya raw kaya na maningil nang puwersahan sa mahihirap na nangangailangan ng tulong. Naisalaysay niya na may isang kaso na akala niya’y madaling matatapos kaya nagkasundo silang magbayad ang kliyente ng sampung libo at wala nang ibang babayaran. Tumagal ang usapin nang sampung taon kaya abonado pa siya nang ilang doble pero pinanindigan niya ang sinabi na wala nang ibang sisingilin. Di rin anya puwede na gulay at isda lang lagi ang tatanggapin niyang kabayaran. Kaya nagpasya siyang magtungo sa Maynila upang maghanap ng ibang oportunidad.

Panahon iyon ng batas-militar. Sinusunog ng mga abogado ang lobuks (law books) nila dahil sa pambabababoy ng rehimeng Marcos sa ‘due process’. Maraming opening sa JAGO, nasabi diumano sa kanya ng isang kakilala. Wala sa hinagap niya ang mag-uniporme pero may pamilya siyang dapat buhayin.

Ngayon ko lang nareyalisa subalit di nagkalayo ang motibasyon namin ni Sir Abenir sa hangaring mapaugnay sa unipormadong serbisyo.
(ITUTULOY)




Archives