According to Zsa Zsa Padilla, her husband (Dolphy) dream role daw is to be a priest in a movie.
“When he started this project [Father Jejemon], he had so much hope for this project. “Talagang dream role niya ito. Masayang masaya siya.
“Sabi niya, kailangan matapos ito nang tama.
“Sa edad niya na 82, halos kumpleto na yung bucket list na si Dolphy. “Natutuwa ako na naka-check na ito sa kanyang listahan, ang role na pagiging pare,” sabi ni Zsa Zsa.
Nagpapasalamat din ang singer-actress sa pagkakataon na makatrabaho ang kanyang partner sa pelikula. “I discovered him as an artist and his love for his craft,” aniya.
Pinuri rin ni Zsa Zsa ang partner sa perspektibo ng Comedy King pagdating sa trabaho. “Kahit pagbawalan siya ng doctor niya, let’s say, ‘Wag ka muna lalabas sa public, magpahinga ka.’
“E, siyempre kasama sa trabaho na pag gumawa ka ng pelikula, hindi naman natatapos yun sa paggawa mo ng pelikula. “May post-prod, dubbing, tapos mga presscons pa,” sabi ni Zsa Zsa.
Hindi ba naging mahirap kay Dolphy ang paggawa ng pelikula?
“When the camera is on, an actor will always be an actor,” sagot ni Zsa Zsa.
“The same with you as a writer, kahit na may arthritis ka na at hindi ka makasulat, kahit na idikta mo yung naiisip mo. “It doesn’t mean that your mind is gone, right? “So, ganun din yun pagdating sa pag-arte.”
Ano ba ang sa tingin niya ay gusto pang makamit ng Comedy King?
“I just have an inkling of what it is. But, at this point of his life, he just wants everybody to be happy, yung sa pamilya niya,” sagot ni Zsa Zsa.
This Christmas, hindi lalabas ng bansa sina Mang Dolphy at Zsa Zsa ngayong Christmas season, hindi katulad ng nakagawian nila dati.
Magiging abala ang dalawa at ang kanilang pamilya sa MMFF.
“This will be our 21st Christmas together,” banggit ni Zsa Zsa.
“Sa 21 years na ‘yon, merong nag-Vegas kami, merong nag-Hong Kong… Ilang beses ‘ata nag-Hong Kong kami. Merong Japan…
Hindi na din daw sila nagbibigayan ng regalo sa isa’t isa tuwing Pasko.
“Minsan quits. Uso sa amin yun. ‘Bibigyan ko pa bang gifts? Wag na!’
“Kasi kung ganun na kayo katagal magkasama, minsan hindi na ganun kaimportante ang material.
“Or, kung meron mang material na bagay na gusto mong ibigay, it doesn’t have to be Christmas eve.”
Maikli ang naging sagot ni Zsa Zsa nang tanungin naman ang kanyang Christmas wish: “Good health lang to everyone.”
“Fr. Jejemon” starring Dolphy will be shon on Christmas day as part of the Manila Film Festival.