ShareThis

  ESTADO

Ipuipo sa Piging – Pangwelkam ng mga Makata sa Magiging Bagong Dispensasyon


by Fermin Salvador.

June 18, 2010

Matapos ang pamamayagpag ng mga ‘instant’ na lapiang pulitikal sa nakalipas na mahigit tatlong dekada matapos ideklara ni Pangulong Marcos ang batas-militar ay isang ganap na partido, LP, ang uugit sa gobyerno. Bago nagdiktadura, dalawa ang lapiang tradisyunal na naglalaban tuwing halalan. Isa rito ang Nacionalista na pinakamatandang lapian sa kasaysayan at ang isa pa ay ang Liberal na pangalawa sa pinakamatanda. Nilikha ni Marcos ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) bilang ‘front’ ng kanyang diktadura na, matapos ang EDSA Uno, sinundan ng mga pasadyang partidong pulitikal na may mga pangalan/ akronim na LDP, Lakas-CMD, PMP, Kampi, at kung anu-ano pa.

Administrasyon ng Isang Lapian

Sa sinabi kong ‘ganap’ na lapian ay binibigyang-diin ko ang pagiging entidad nito na pinagagalaw ng kasapian na ang bawat isa ay may pantay-pantay na saysay sa halip na mistulang karwaheng sasakyan na para sa pangunahing personalidad lang.Mahalagang katangian din ng isang ganap na partido ang pagkakaroon ng plataporma na di nababago ayon sa arbitraryong kagustuhan ng namamayaning personalidad.

Hindi dapat mapalampas ng sambayanan ang obserbasyong ito. Na sapul maisailalim ang bayan sa diktadura ni Marcos ay si Senador Noynoy pa lang ang magiging presidente na naipanalo ng kanyang lapian sa halip na kabaligtaran nito. Bagaman may malaking hatak din naman bilang anak ng dalawang prominenteng personalidad sa kasaysayan, umasa si Senador Noynoy sa makinarya ng LP upang matiyak ang pagwawagi.

Sa mga nakalipas na panahon ay laging biglaan ang ‘luto’ ng lapian ng naluluklok na pangulo na ang resulta ay lubusang pagsandal sa pangulo na ang bunga naman ay kahinaan ng administrasyon ng nasabing lider. Nakaasa madalas sa ‘spur of the moment’ na kapasyahan ng pangulo sa halip na sa mga prinsipyo ng partido. Tumatanda at lumilisan ang mga kasapi ngunit hindi ang mga prinsipyo ng lapian na inilapat hindi sa mga indibidwal na interes kundi sa interes ng bayan.

Maibubuod sa ganitong obserbasyon ang kuwento ng pamamalakad nina Marcos, Cory, Ramos, Erap, hanggang kay Arroyo.

Sa kaso ni Senador Noynoy, hindi lumikha ng partido ‘overnight’ para sa kumbinyensiya ng kandidatura niya sa pagkapangulo bagkus siya ay isang bahagi lamang ng isang partidong umiiral na sa panahon pa ng lolo at ama niya. Kaya mas angkop sabihin na ang papalit na rehimen pagkatapos ni Arroyo ay sa Partido Liberal sa halip na kay Noynoy. Nakataya, sa isang banda, ang maningning na reputasyon ng LP sa magiging dispensasyon sa bansa sa ilalim ng pagkapangulo ni Noynoy.

Noong nasa Pilipinas pa ako ay may mga pagkakataong nakasama ko sa mga pagtitipon si Chito. Kabilang sa mga posisyong pinagtalagahan sa akin noon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay pagiging hepe ng serbisyong paralegal nito na isang programang nilikha at itinatag ng isang maliit na grupong kinabibilangan ko at ibang junior officer na sina Captain Norberto Abuda, (ngayo’y Col.) Rex Delarmente, sa pamumuno ni Col. Ramon A. Abenir Jr. na retiradong hukom-JAGO sa binuwag na Philippine Constabulary.

Boluntaryong Paralegal sa mga Piitan

Sumulat ako ng isang artikulo na inilathala ng Philippine Panorama na lingguhang magasin ng pahayagang Manila Bulletin na nananawagan para sa mga boluntaryong paralegal para sa mga piitan. Dumagsa ang mga liham ng mga interesado mula sa buong kapuluan. Marami ay mga nag-aaral ng abogasya. Sa umpisa ay naging problema kung paano namin ipoproseso ang sangkatutak na aplikanteng boluntaryo. Bukod sa mga indibidwal, nagsialok din ng tulong ang mga pribadong organisasyon. Kapag may ganitong ‘komosyon’ ay puwede bang mawala ang mga tagamidya laluna ang mga tv network?

Sa pagpursigi, pagpupuyat, at walang patid na mga ‘brainstorming’ sa tanggapang sentral ng BJMP ay unti-unting naikasa ang Programa Para sa Boluntaryong Paralegal ng Byuro. Marami sa naiibang katangian nito ay hango sa ideya ko gaya ng pagtatatag ng non-stock/non-profit na BJMP Legal and Paralegal Volunteers Association upang maisalin sa mismong mga boluntaryo ang kabuuan ng pagpapatupad ng kanilang bolunterismo sa kasong legal ng mga detenido.

Isang epiko sa haba ang nasa likod ng programa para sa mga boluntaryong paralegal sa mga piitan kaya puputulin ko na ang pagtalakay dito. Bagaman mahirap iwasang banggitin na napakarami ring personalidad na naglahad ng kamay at higit pa para rito magmula sa noo’y Punong Mahistrado Hilario Davide ng Korte Suprema, Kalihim ng DILG Joey Lina, hanggang sa mga lokal at internasyunal na NGO. Kumbaga sa iskrinpley, ‘cut’ patungo sa paglaon ay kapasyahan ko na magpokus sa Manila City Jail na may daglat na MCJ. May mesa ako sa BJMP Central Office na elegante at pinalalamig ng air-condition pero mas madalas ako sa isang dipang purgatoryong tanggapan ko sa MCJ. Nasa pusod ito ng downtown at university belt ng Maynila kaya sapul magkaroon ng programa sa ‘paralegal volunteers’ ay palaging sinasadya ng mga estudyante partikular ang mga law student. Paisa-isa sila o pangkatan. Bukod sa mga NGO na unang tumulong gaya ng Caritas Manila, Integrated Bar of the Philippines
(IBP), Legal Assistance Pro-Indigent Tao (LAPIT) at iba pa ay marami ring organisasyon ang nabuo at naitatag paglaon na inspirasyon ang adhikain ng pagboboluntaryo sa piitan.

Madalas mapadalaw sa MCJ ang ilan sa mga kunektado sa Libertas (Lawyers League for Liberty) na inorganisa ni Chito. Nag-iimbita sila sa mga ebento ng Libertas. Ginawa kong polisiya sa sariliat 7 tauhan na prayoridad ang ‘civic involvement’. Sa mahabang panahon ay may ‘persepsiyon’ ang publiko na ang piitan ay lugar na may tabing at may ikinukubling hiwaga. Kahit sa aspeto lamang ng pag-aasikaso sa istatus ng asunto ng mga detenido ay tatanggalin namin ang antigong birang. Haharap kami sa taumbayan, sasagutin ang mga katanungan sa aming partikular na responsabilidad. Kaya kahit gabi ay dumadalo ako sa paanyaya upang magsalita sa iba’t ibang NGO gaya ng Caritas Manila at Jaycees. Isang salita lang ng tanggapan ni Chief Justice Davide ay dumarating kami upang makipagpulong sa kanya sa Justices’ Lounge na kahit ang mga de-kuliling na abogado’y hindi pa nakatapak.

Lagi kaming ‘on the go’. Kabi-kabilang tanggapan. Basta may maitutulong. Public Attorneys Office (PAO). Parole and Probation Office. Bureau of Correction (BuCor) na noo’y nasa pamumuno ni Hen. Dionisio Santiago na naging hepe ng PDEA. NBI na ang hepe noon ay si Director Wycoco. Higit sa lahat ay sa mga unibersidad. Bagaman wala akong sapat na panahon noon para magsulat ng malikhaing akda gaya ng tula ay isinasama ko kapag may palatuntunan ang mga klasikong tula tungkol sa bilangguan sa alinmang wika na bibigkasin ng aking (Continued on page 26)




Archives