MANILA — The Philippines marked the 149th birth anniversary of the Great Plebeian Andres Bonifacio President Benigno S. Aquino III urged the Filipino people to keep alive the ideals and positive traits of Andres Bonifacio as he challenged them to strive hard in bringing the nation to sustainable progress and development.
In his speech at the 149th Birth Anniversary of Andres Bonifacio and the kickoff celebration for “Bonifacio@150” at the Pinaglabanan Memorial Shrine in San Juan City Friday, the Chief Executive urged the Filipinos to remember the patriotism and bravery of Bonifacio in combatting all forms of oppression.
“Mahalaga ring mamulat ang mga tao sa katotohanan… na sa bawat sagupaang kaniyang pinamunuan, ni minsan, hindi nanaig si Bonifacio. Gayumpaman, ang bawat munting kabiguan, ang bawat buhay na naibuwis, ang bawat patak ng dugong dumanak, ay siyang dumilig sa lupang uhaw sa kalayaan; siyang nagpataba sa mga tigang na bisig ng mga Katipunero, siyang nagpasibol sa diwa ng kabayanihan sa bawat sulok ng ating kapuluan,” the President said.
“Makailang beses man siyang nabigo, hindi nagbago ang paninindigan ni Bonifacio… lalaban tayo, hangga’t hindi natin nakakamit ang kalayaan. Nakatutok siya sa kaniyang adhika: matalo man tayo sa mga munting laban, hindi magtatagal ay magtatagumpay rin tayo sa digmaan; makakamit din natin ang tunay na kasarinlan,” he said.
The President said Filipinos must emulate the example set forth by Bonifacio and our ancestors whose supreme sacrifice for the nation brought us freedom.
“Ngayon, isa tayong malayang bansa. Walang banyagang mananakop; wala ang tanikala ng mga Kastila. Pinatunayan natin sa lahat ng mga nagtangkang alipinin ang ating lahi na hindi tayo papasindak, at handa tayong ipaglaban kung alin ang tunay na sa atin,” he said.
“Hindi rin kalabisang isipin, na kung may maituturing man tayong rehas sa nakaraang dekada, ito ay ang katiwalian at kahirapan. Subalit, dahil na rin sa ating pagkakaisa’t malasakit sa kapwa, nababaklas na rin ito sa tuwid na daan,” he added.
The President said the Filipino citizenry… all of them have great responsibilities to fulfill for our nation.
“Bilang pagkilala sa sakripisyo ni Bonifacio, at ng libu-libong ninuno nating nagbuwis ng kanilang buhay, simple lang ang tungkulin po natin: Lahat tayo ay may papel na maaaring gampanan sa paghubog ng ating bayan. Huwag tayong papasakop sa sarili nating limitasyon. Huwag tayong papasakop sa takot at pagdududang nagsisilbing pilat ng ating kasaysayan. Huwag tayong papasakop sa mga magtatangkang ibalik ang pang-aapi ng nakaraan,” he noted.
“Lagi nating tatandaan —lahi tayo ng mga bayani. Hindi tayo mauubusan ng Bonifacio. Hindi tayo mauubusan ng Rizal. Hindi tayo mauubusan ng Ninoy. Hindi tayo mauubusan ng mga Pilipinong handang tumugon sa ngalan ng bandila at bayan,” he said.
In closing, the President urged Filipinos to remain on the straight and righteous path towards a progressive future.