ShareThis

  ENTERTAINMENT

Nora may come home this year


I’m waiting for my mom too,” ito ang mabilis na tugon ni Ian de Leon sa showbiz press na nagsabing marami na ang naghihintay sa pag-uwi sa Pilipinas ng kanyang ina na si Nora Aunor.

Ayon kay Ian, “First quarter [of 2011] definitely, pero wala pang definite, e. First quarter daw. Pero yung mga nagsasabi rin, yung mga taong malapit-lapit.”

Nora Aunor


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ian sa presscon ng Alakdana noong Lunes, January 17, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Nabanggit din ni Ian na nagkita naman sila ng kanyang ina last year nang magpunta siya sa Japan.

“Kasama ako do’n sa mga umaasa na sana, may maasahan din po kami. Two years ago, sabi next year. Pero next year yung last year. This year daw darating. So, hopefully, this year siya darating.”

May communication naman daw silang mag-ina. Tulad noong bago mag-Pasko, nagkausap daw sila.

Kuwento ni Ian, “Okay naman, nagtawagan kami. Kumustahan.

“Yung voice niya, okay naman. If that’s your concern, yung voice niya, normal na rin. Naghi-heal na rin.

“Hindi naman siya yung hindi na makapagsalita, hindi. Kuwentuhan kami, ganoon.”

Kumusta naman ang singing voice ng kanyang ina?

“Hindi ko actually natanong sa kanya,” sagot ni Ian.

“Pero as far as I know, may mga gusto pang kumuha sa kanyang mga shows. So, ibig sabihin, kaya na niya.

“Hindi naman yung sobrang hataw. Pero gradually, nakakayanan niya.

“Ang alam ko, pagbalik niya rito, may mga naka-lineup na project. Yun ang plano.

“Siguro yun ang main priority kung bakit siya babalik dito in the first place. Para magbalik siya, artista siya.

“Kasi, sa totoo lang, ang daming nakaka-miss sa kanya. Kami rin, nami-miss na rin namin siya.

“At para sa akin, kapag nagbalik siya, malaking bagay yun para sa industriya dahil kung matutukan ‘to, isang Nora Aunor, babalik muli sa showbiz, malaking isyu yun na ikakaganda muli ng pagkabuo ng career niya.”(pep.com)




Archives