ShareThis

  ENTERTAINMENT

TJ Trinidad sets his sights on film directing


Aug 20, 2010

Katatapos pa lang ng musical-comedy series na Diva, pero hindi nawawalan ng trabaho si TJ Trinidad. Ang aktor ang isa sa mga special guests sa nalalabing mga araw ng fantaserye na Pilyang Kerubin, kasama sina Iza Calzado at Jiro Manio.

Ang role niya rito ay si Abet, isang lalaking nabaliw at ikinulong sa isang hawla. Ang sanhi ng kanyang pagkakakulong ay dahil sa nawalang pag-ibig. “I came to the set na hindi ako nag-shave. Sinabi nila na kakabitan ako ng prosthetics. Sabi ko, huwag na lang, ganito na lang,” turo niya sa mukha niya, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainemnt Portal) sa taping ng Pilyang Kerubin last week sa Manila Zoo.

Ayon kay TJ, gusto niyang subukan ang mga comedy lalo pa’t dumarami na naman ang mga sitcom sa Kapuso network. “Gusto ko mag-rotate sa mga comedy shows like Show Me Da Manny at Kaya ng Powers. I’m very happy na it’s keeping me busy. Comedy kasi is the hardest thing to do, harder than drama.

Kailangan matalino ka para mag-comedy. May timing ‘yan and you definitely need to be smart and
witty. We’ll see what happens,” sabi ni TJ.




Archives